Matuto Tayo sa mga Paruparo

sa aking kaibigan na si NB

Nakapasarap na hiwaga ang umibig Dahil bigla tayong tutubuan ng malapad na pakpak, Magkakaroon tayo ng kapangyarihang liparin Ang lahat ng sulok ng daigdig.

Pero dapat matuto rin tayong maging mapagbigay Katulad ng mga makulay na paruparu Hindi nila inaangkin ang nililiparang hardin At tanggap nila na maiksi ang kanilang buhay.

Kahit na anong taas kasi ng ating lipad Sa lupa't sa lupa tayo babagsak. Pwede tayong magalusan lamang, o di kaya Mabalian ng gulugod kung babagsak na pabaliktad

Sa ating pagkabigo huwag tayong maghinanakit Sapagkat ganyan talaga ang umibig, masakit.


taken from John Iremil Teodoro's "kung ang Tula ay pwedeng pambili ng lalaki"
image taken from: http://www.sarahbakewell.com/Images/M%20S%20Merian%20Butterflies.jpg

No comments:

Post a Comment